Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Joint Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., naisagawa ang aktibidad na walang nangyaring untoward Incident.
Namataan lang aniya ang barko ng People’s Liberaton Army Navy (PLAN) ng China na nakabuntot sa layong 6.5 milya habang nagsasagawa kahapon ng tactical exercise ang dalawang barko ng Philippine Navy at barko ng Estados Unidos, sa bisinidad ng Malampaya Gas Field.
Pero wala aniyang agresibong aksyon sa panig ng China.
Ang joint maritime at air patrols sa West Philipine Sea na nagsimula noong Martes at nagtapos kahapon ay sa layong mapahusay ang interoperability ng dalawang magkaalyadong pwersa at maisulong ang rules-based international order. | ulat ni Leo Sarne