Joint maritime patrol ng Pilipinas at US sa West Phil. Sea, naayon sa international law – AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar na naaayon sa International Law ang Joint Maritime patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay ginawa ni Col. Aguilar kasunod ng pagsisimula kahapon ng tatlong-araw na Joint Maritime Activity ng AFP at US Indo-Pacific Command na tatagal hanggang bukas.

Nilinaw naman ni Col. Aguilar na ang aktibidad ay hindi “show of force”, at hindi naglalayong dagdagan ang tensyon sa pinag-aagawang karagatan.

Bagkus, ito aniya ay pagpapakita ng determinasyon ng Pilipinas na itaguyod ang sovereign rights at hurisdiksyon ng bansa nang naaayon sa international maritime conventions na nagsusulong ng mapayapang pagresolba sa mga maritime conflict.

Giit ni Aguilar, ang mga kasunduang ito ang nagsasaad na walang dapat na “dangerous maneuver,” pang-haharass at paggamit ng water-cannon sa pagresolba ng mga alitan.

Sinabi ni Aguilar, na umaasa ang Pilipinas na tutupad din ang China sa mga International convention, partikular ang United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us