Pinangunahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang send-off Ceremony para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na kabilang sa bagong-tatag na Joint Task Group (JTG) Baguio.
Sa kanyang pahayag sa programa sa Baguio City Hall kahapon, pinuri ni Magalong ang mahusay na samahan ng AFP at PNP sa kanilang pagtutulungan para mapangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran sa syudad.
Binati rin ni Mayor Magalong ang mga sundalo at pulis na kabilang sa grupo, kasabay ng pagtiyak sa kanila ng buong suporta ng lokal na pamahalaan.
Sinabi naman ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca, na ang JTG Baguio ay may dalawang layuning dapat makamit: ang Pagkakaisa at Kapayapaan.
Bago dineploy, ang mga sundalo at pulis na kabilang sa JTG Baguio ay sumailalim muna sa 12-araw na pagsasanay na nakatutok sa Community Support Program. | ulat ni Leo Sarne
📸: NOLCOM