Malaki ang pasasalamat ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa lahat ng tumulong para ligtas na makalaya ang Pilipinong kasama sa na-hostage ng grupong Hamas.
Mismong si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-kumpirma na kasama sa 24 na hostage na pinalaya ng Hamas ang Pinoy caregiver na si Gelienor ‘Jimmy’ Pacheco.
Partikular na kinilala ni Salo ang mga opisyal ng Deparment of Foreign Affars (DFA) sa pangunguna ni Sec. Enrique Manalo, mga ambassador ng Pilipinas sa Egypt, Israel, at Jordan.
“Their dedication in ensuring the safety of our nationals is truly commendable,” ani Salo.
Kinilala din ni Salo ang decisive na pamumuno at proactive na pagtugon ni PBBM sa sitwasyon gayundin ang kaniyang pagnanais na masiguro ang kapakanan ng mga Pilipino abroad.
Kabilang din sa pinasalamatan ng mambabatas ang State of Qatar sa kanilang inisyatiba at tulong.
“I also acknowledge the State of Qatar for their invaluable initiative and assistance throughout this ordeal. Their support has played a crucial role in the successful safe release of our kabayan,” saad pa niya.
Aminado naman si Salo na bagama’t nakakagalak ang paglaya ni Pacheco ay nananatili pa rin aniya ang kanilang pagkabahala at pag-aalala para kay Noralyn Babadilla na hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang kinaroroonan.
“As we rejoice in Mr. Pacheco’s safe return, our hearts remain heavy with concern for Ms. Noralyn Babadilla, whose whereabouts are still unknown. Our thoughts and prayers are with her and her family during this challenging time. Let us continue praying as a nation that our government officials’ efforts in finding Ms. Babadilla will finally bear fruit. Let us stand together and work tirelessly to bring her back to the embrace of her family and loved ones“ dagdag ni Salo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes