Kalidad ng istruktura sa bansa, pinaiimbestigahan kasunod ng tumamang lindol sa Southern Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiimbestigahan sa Kamara ang kasalukuyang estado ng mga pampublikong istruktura sa bansa.

Sa House Resolution 1476 na inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ACT-CIS Party-list Representative Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, nanawagan sa Kamara na magkasa ng inquiry in aid of legislation para alamin ang kalidad ng public structure at public works, at kung nasusunod ba talaga ang ating Building Code.

Ito’y kasunod ng pagbisita ni Tulfo sa Sarangani at General Santos City na pinakatinamaan ng 6.8 magnitude na lindol noong November 17, kung saan maraming istruktura ang nasira dahil sa tila pagiging sub-standard

“Napapanahon na upang bisitahin ang ating national building code at iba pang mga batas hinggil sa standards sa paggawa ng mga gusali at imprastraktura, hindi lang ng gobyerno kung hindi pati ng sa pribado. Standard na mga gusali at imprastraktura na kayang sumagupa sa mga bagyo na kahit higit 300 kilometers per hour ang hangin at lindol na hanggang 8 magnitude ang lakas.” Sabi ni Tulfo sa kaniyang privilege speech.

Aniya, sa naitalang lima sa pitong nasawi sa lindol ay nadaganan ng gumuhong istruktura.

Tinukoy din nito, na ang mga kalyeng nasira sa naturang probinsya ay walang bakal at kung mayroon man ay singlaki lang ng hinliliit na daliri.

Maging ang nasirang pier sa Glan sa Sarangani ay wala ring connector at pinagtabi-tabi lang aniya na concrete slabs.

“Mapalad at walang nasaktan o namatay sa pagkasira ng pier doon. Hindi po ako engineer pero common sense na substandard ang pagkagawa ng nasirang pier at kalsada doon. We need to investigate, before its too late.” dagdag pa ni Tulfo

Hiling din ng mga mambabatas ang agad na rehabilitasyon at pagsasaayos ng nasirang mga istruktura, at tiyakin na hindi ito substandard quality. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us