Sisimulan na ngayong Huwebes, November 9 ang ikapitong pagdaraos ng Kamandag Joint Exercise ng US Marine Corps na tatagal hanggang November 20.
Ang Kamandag ay taunang pagsasanay ng dalawang pwersa na hango sa katagang Tagalog na “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat.”
Ito ay naglalayong mapahusay ang multinational military readiness, interoperability, partnership, at mutual capabilities ng mga kalahok.
Ayon kay Kamandag Philippine Exercise Director Brigadier General Jimmy Larida, 1,732 tropa ng Pilipinas at 902 Amerikanong sundalo ang kalahok sa Ehersisyo.
Sa pagkakataong ito, kasama din sa pagsasanay ang 57 tropa ng Republic of Korea Marine Corps (ROKMC), 50 tauhan ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF), at walong observer ng United Kingdom. | ulat ni Leo Sarne
📸: WESCOM