Magkatuwang ang Kamara at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagtugon sa mga mananakay bunsod ng tatlong araw na tigil pasada ng isang transport group.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang inisyatibang ito ay para masiguro na walang commuter ang maii-stranded dahil sa transport strike sa Metro Manila
“The House of the People is always working in collaboration with the Marcos government through the MMDA to alleviate the inconvenience caused to commuters by the transport strike. We have taken this joint initiative to ensure that stranded commuters have available rides to their work or home. During this period of strike, I commend MMDA acting chair Artes for working with us in ensuring the continued accessibility of reliable public transportation services.” sabi ni Speaker Romualdez
Limang bus ang ipinadala ng Office of the Speaker para magsilbing ‘rescue vehicles.’
Ayon naman kay MMDA Acting Chair Don Artes, ang mga bus na ito ay idineploy sa mga rutang: SUCAT-Baclaran, Pasig-Monumento-Quiapo, Philcoa-Doña Carmen, Parañaque City to City Hall, at Antipolo-Quiapo.
“The MMDA, in partnership with the House of Representatives and other local government agencies, ensures the immediate dispatch of free ride services to help our commuting public. We thank the leadership of Speaker Romualdez for responding and helping our objective that commuters would not suffer from this transport strike,” ani Artes
Sa kabila ng tigil pasada ay hindi naman naparalisa ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila. | ulat ni Kathleen Forbes