Pormal na nagpulong ang Kamara at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para pag-usapan ang hakbang patungkol sa mga sasakyan na gumagamit ng number 8 na plaka.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nagkasundo sila ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, na i-apprehend o huhulihin ang mga nagmamaneho ng mga sasakyang gumagamit ng plakang number 8, at kumpiskahin ang paso o expired at pekeng plaka.
“I met with Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system.” sabi ni Velasco sa isang pahayag
Diin ni Velasco, na committed ang liderato ng Kamara na sundin ang batas, at pagsiguro na tama at ayon sa batas ang paggamit ng mga plaka.
Una nang inatasan ni Velasco ang mga mambabatas na isauli ang protocol plates na in-issue sa kanila. | ulat ni Kathleen Forbes