Pormal na binuksan ng Kamara ngayong araw ang special session nito.
Si Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang nanguna sa pagbubukas ng special session salig na rin sa Section 87 ng rules of the House.
Ang special session ay paghahanda sa joint session kasama ang Senado para tanggapin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Kabuuang 171 mambabatas ang present sa special session.
Bilang bahagi, tinanggap at pinagtibay ng Kamara ang Senate concurrent reso 15 para imbitahan si Japanese Prime Minister para humarap sa Kongreso ng Pilipinas at magtalumpati
Itinalaga naman sina representatives Aurelio Gonzales, Mannix Dalipe, Marcelino Libanan, Ma. Rachel Arenas at Elizaldy Co para ipahatid ang naturang imbitasyon sa parte ng Kamara.
Kasabay nito inaprubahan ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 17 o resolusyon na siyang nag-aapruba sa special session ng dalawang kapulungan para tanggapin at pakinggan ang mensahe ni Prime Minister Kishida Fumio alas-11:00 ng umaga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes