Tuloy ang kamara sa pagtatrabaho.
Ito ang sinabi ni Ways and Means Committee Chair Representative Joey Salceda ng hingan ng reaksyon kaugnay sa rigodon sa House leadership.
Ayon kay Salceda, naniniwala siyang hindi sagabal sa trabaho ng Kamara ang nangyaring “intramurals.”
Kumpiyansa rin ang Albay solon, na hindi makakaapekto sa performance nina Pamapanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Davao City Rep. Isidro Ungab ang pagkakaalis nila bilang deputy speakers.
Matatandaan na sa sesyon nitong Martes, inalis sina Arroyo at Ungab bilang deputy speakers matapos hindi makalagda sa House Resolution 1414, na naghahayag ng kolektibong posisyon ng Kamara para ipagtanggol ang dangal at institusyon laban sa mga naninira at umaatake dito. | ulat ni Kathleen Forbes