Kaisa ng maraming ahensya ng pamahalaan, ang pagtutok sa kampanya sa malnutrisyon sa mga bata ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng Department of Health.
Sa kick-off ceremony ng naturang pagdiriwang, nakiisa ang Department of Health sa pamamagitan ng Public Health Services Team ni Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire na ginawa sa Valenzuela City.
Sa nasabing programa, ipinakita ni Undersecretary Singh-Vergeire ang kasalukuyang estado ng kalusugan and nutrisyon ng mga batang Pilipino.
Kanya ring in inulat ang iba’t ibang programa na nasa ilalim ng 8-Point Action Agenda ng kagawaran na “Pag-iwas sa Sakit” para wakasan ang malnutrisyon sa bansa.
Nakiisa rin sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Council for the Welfare of Children Undersecretary Angelo Tapales, mga miyembro ng National Youth Commission, Department of Social Welfare and Development, at UNICEF para sa paggunita ng National Children’s Month kung saan kapwa sila nagpahayag ng suporta sa kampanya kontra malnutrisyon
Sabi ni Vergeire, mahalaga ang kalusugan ng mga bata para sa kanilang tamang paglaki mula pagkapanganak hanggang sa dalawang taon gulang. | ulat ni Michael Rogas
📷: DOH