Kampanya tungkol sa NTF-ELCAC, pinalalakas pa ng pamunuan ng QC Jail

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiigting pa ng pamunuan ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD)ang information drive tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay City Jail Warden JSupt Michelle Ng Bonto, regular nang namamahagi ng reading materials at plyers ang mga jail personnel sa mga dalaw ng Persons Deprived of Liberty (PDLs), at maging sa mga dumadaan sa EDSA.

Nais nilang itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa layunin ng NTF-ELCAC, at mabigyan ng kaukulang serbisyo ang mga indibidwal sa pamamagitan ng whole-of-nation approach ng pamahalaan.

Mahigpit na sinusuportahan ng QCJMD ang kampanyang ito tungo sa kapayapaan at pag-unlad alinsunod sa Executive Order No. 70.

Bukod dito, kasama din sa pinaiigting nilang information drive ang anti-illegal drugs campaign, mga ipinatutupad na ordinansa sa Quezon City, BJMP Recruitment at E-Sumbong mo kay RD. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us