Inaasahang maipatutupad na sa buong National Capital Region (NCR) ang Single Ticketing System bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ito’y ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes ay dahil sa naplantsa na rin ng iba pang mga LGUs ang digital payment channels at customization ng mga ipinamahaging handheld ticketing device.
Ayon kay Artes, malaking hakbang aniya ang Single Ticketing System sa pagsasaayos ng trapiko sa buong Metro Manila.
Kasunod nito, iniulat din ni Artes na bumili na rin sila ng may 1,000 unit ng handheld ticketing device na siyang ipamamahagi sa iba pang mga LGU sa NCR.
Magugunitang sinimulan na kahapon sa Lungsod ng San Juan ang panghuhuli sa mga pasaway na motorista gamit ang may 30 bagong handheld ticketing device.
Sa sandaling mahuli, maaaring magbayad on the spot o di kaya’y bayaran sa digital payment platforms sa loob ng 10 araw. | ulat ni Jaymark Dagala