Nananatiling nakahanda ang Quezon City local government na tumugon sakaling may mga pasaherong maapektuhan ng transport strike ng grupong MANIBELA simula ngayong Miyerkules, November 22.
Ayon sa QC LGU, bukod sa tuloy-tuloy na libreng sakay ng Quezon City Bus, ay patuloy ring ide-deploy ang karagdagang bus sa lahat ng ruta para maserbisyuhan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero.
Magpapakalat din ng traffic enforcers ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang alalayan ang mga motorista sakaling maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.
Sa inisyal na assessment ni QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas ngayong umaga, wala pang epekto ang MANIBELA strike sa QC dahil marami ang bumiyeng mga jeepney at normal ang sitwasyon sa mga pangunahing kalsada sa lungsod kaya walang na-stranded na pasahero. | ulat ni Merry Ann Bastasa