Kaso ng Dengue, unti-unti nang bumababa — DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Department of Health na unti-unti nang nagkakaroon ng pagbaba ng sakit na Dengue sa bansa simula noong nakaraang buwan.

Ayon sa ahensya, naitala ang 10.96% na pagbaba o katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25 kumpara sa 12,619 ng October 1-14.

Wala na ring rehiyon sa Pilipinas ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na anim na linggo mula October 1 hanggang November 11.

Tanging ang mga Region 2, 5 at 7 na lamang ang may mga naiulat na mga bagong kaso ng Dengue sa nakalipas na apat na linggo.

Sa mga bagong kaso na ito, 614 ang namatay na katumbas ng 0.34% na fatality rate.

Patuloy naman nananawagan ang DOH sa 5S strategy para labanan ang dengue. 1)Search and destroy; 2) Self-protect; 3) Seek consultation; 4) Support fogging sa mga outbreak areas; at 5) Sustain hydration. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us