Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang masusing imbestigasyon sa nangyaring pamamaril at pambubugbog sa isang babaeng estudyante sa Saint Paul University sa Tuguegarao, Cagayan, noong November 13 na naging viral sa social media.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na hindi nito papayagan ang anumang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan.
Pagtitiyak nito, personal na tututukan ang kaso hanggang tuluyang makamit ang hustisya.
Ayon pa sa kalihim, palalakasin nito ang kanyang ugnayan sa academe para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa loob ng campus.
“Hopefully, our schools can find better ways to detect troubled or disturbed individuals so that they can intervene sooner,” tugon ni Abalos.
Kasunod nito, nanawagan si Sec. Abalos ng pakikiisa sa publiko upang mapaigting ang hakbang kontra karahasan sa kababaihan at kabataan. | ulat ni Merry Ann Bastasa