Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ilang bansa sa pagtatatag ng oncology clinics, welcome development — House Speaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang mga nalagdaang kasunduan sa sidelines ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa APEC Summit sa San Francisco, California.

Una rito ang memorandum of understanding sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherland B.V. at Varian Medical Systems Philippines para sa pagatatatg ng oncology clinics sa Pilipinas at pagpapalakas sa cancer diagnosis, treatment, and prevention.

Magsisilbing hub ang Healthway Cancer Care Hospital ng AC para ikonekta ang iba’t ibang oncology clinics para sa mas madaling access ng pasyente sa cancer care.

“This collaboration between AC Health and Varian Medical Systems is a significant stride towards enhancing cancer care in our country. By combining the strengths of a respected healthcare provider and a global leader in medical technology, this partnership forged under the administration of President Marcos is poised to create a positive and lasting impact on the lives of many Filipinos affected by cancer,” sabi ni Romualdez,

Batay sa datos ngayong 2023, ang cancer ang ikatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas na may 141,021 na bagong kaso at 86,337 cancer deaths kada taon.

Napapanahon din aniya ang kasunduang ito para mapalakas ang Republic Act No. 11215 o National Integrated Cancer Control Act.

“The potential benefits this groundbreaking agreement brings to Filipino cancer patients are aligned with the priorities the House of Representatives, which include initiatives to help victims of this dreaded disease in our country,” ani Romualdez.

Pinuri din ng House leader ang joint venture ng Lloyd Laboratory at DIFGEN Pharmaceuticals para sa develooment ng sterile solution at ang posibleng pag-export nito sa US.

Bagay na magpoposisyon aniya sa Pilipinas bilang key player sa pharmaceutical products exports. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us