Kauna-unahang Cashless Expo, ilulunsad sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsanib pwersa ang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagsusulong ng “cashless” o digital transaction sa bansa.

Sa nalalapit na Cashless Expo 2023, na gaganapin mula November 17 – 19, 2023, binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para itulak ang nasabing makabagong paraan ng pagbabayad nang hindi na gumagamit na cash.

Layunin ng expo na hikayatin ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na gawing “cashless” o digital ang kanilang pamamaraan sa kanilang mga transaksyon at palawigin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

Itatampok din sa expo ang mga benepisyo ng cashless transactions kung kaya sa 3-day event na ito tanging digital payments gaya ng e-wallet, cards, at online bank transfer lamang ang pwedeng gamitin sa pagbenta at pagbili.

Ang Cashless Expo 2023 ay suportado ng iba’t ibang industry leaders sa bansa gaya ng Maya, PLDT, Unionbank, Visa, Tiktok, Gcash, at iba pa.

Ang nasabing event ay gaganapin sa World Trade Center, Pasay City kung saan inaasahang libo-libong exhibitors at visitors ang dadalo na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us