Kauna unahang Tokenized Treasury Bonds na inilunsad ng Bureau of Treasury, pinuri ng Finance Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Bureau of Treasury sa inilunsad na kauna-unahang Tokenized Treasury Bonds (TTBs) at pagpapatupad ng mga inisyatiba na naglalayong patatagin ang capital market at financial inclusion ng bansa.

Ito ang mensahe ni Diokno sa ginanap na 126th anniversary ng BTr.

Target ng ahensya na i-promote ang mas malawak na partisipasyon ng publiko sa bond market sa pamamagitan ng TTBs .

Sinabi ni Diokno, ang strategic move na ginawa ng BTr ay upang makapag-invest ang mga qualified investor sa government securities at gawin itong abot kaya sa bawat Pilipino.

Ang TTBs ay one-year fixed rate government securities na may kabayaran na semi-annual coupon rate set na 6.50%.

Ayon sa kalihim, dahil sa pagsusumikap ng ahensya, nakalikom ito ng P356 billion na nagpapakita lamang ng malakas na tiwala ng mga investor sa macroeconomic fundamentals ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us