Muling isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Alaminos City, Pangasinan ang buwanang Scubasurero coastal clean up sa kahabaan at ilalim ng karagatan ng lungsod.
Kilo-kilong mga non-biodegradable na basura ang nakolekta ng mga lumahok sa kaganapan.
Ang programang Scubasurero ay ang paraan ng pangongolekta ng mga basura sa gilid ng karagatan, gayundin sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng mga scuba diver ng lungsod.
Regular na isinasagawa ang programa sa bawat ikatlong linggo ng buwan.
Layunin nitong mabawasan ang mga basura sa karagatan at ang masamang epekto ng mga basura sa mga organismo at hayop na naninirahan sa karagatan.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga LGU sa mga boluntaryong dumalo sa kaganapan, gayundin sa patuloy na suporta ng publiko sa adhikaing ito ng lungsod.
Magpapatuloy umano ang ganitong prograna ng lungsod upang masigurado ang kalinisan sa karagatan.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan