Kinatawan ng Zamboanga del Norte 1st District, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Kamara; 2 bagong Deputy Speaker nanumpa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng 19th Congress sa Kamara si Roberto “Pinpin” Uy, Jr.

Kakatawanin ni Uy ang unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Matatandaan na nagkroon ng legal dispute sa naturang distrito matapos ideklara ng Provincial Board of Canvassers na nanalo bilang kongresista si Romeo Jalosjos Jr. dahil sa inilipat dito ang boto ng kandidatong si Frederic Jalosjos na idineklara bilang nuisance candidate.

Noong May 2022 Elections, nakakuha si Uy ng botong 69,591 kumpara sa 69,109 ni Romeo Jalosjos.

Matapos maresolba ng Korte Suprema at COMELEC ang naturang isyu ay si Uy ang idineklara at kinikilala ngayon na nanalo bilang kongresista ng Zamboanga del Norte 1st District.

Kasabay nito ay sumunod na nanumpa sina Isabela Representative Tonypet Albano at Lanao del Sur Representative Yasser Alonto Balindong bilang bagong deputy speakers.

Maaalala na noong nakaraang linggo ay inalis bilang deputy speakers sina Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo at Davao City Representative Isidro Ungab na siyang pinalitan ng dalawa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us