Komemorasyon ng Philppine Army ng Bonifacio Day, pinangunahan ni Lt. Gen. Galido

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang komemorasyon ng Philippine Army ng Bonifacio Day ngayong umaga.

Ito’y sa pamamagitan ng simultaneous flag-raising at wreath laying ceremony sa Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig.

Sa kanyang pahayag, hinimok ni Lt. Gen. Galido ang lahat ng mga tropa at sibilyang empleyado ng Philippine Army na isabuhay ang kadakilaan sa lahat ng kanilang gampanin.

Binigyang diin ni Lt. Gen. Galido ang kahalagahan ng “mutual understanding” at nagkakaisang “commitment” na mag-ambag sa kapakanan ng bayan at pagsulong ng kapayapaan sa bansa.

Sa pagbibigay-pugay sa araw ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Andres Bonifacio, muling tiniyak ng Philippine Army ang kanilang dedikasyon na patatagin ang pagkakaisa at “sense of purpose” ng kanilang mga tauhan, sa pagsisikap na makamit ang kaunlaran at kapayapaan sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: Cpl. Rodgen P Quirante, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us