Kongreso, sisiguruhing may sapat na suplay para sa programang pabigas ng Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Susuportahan ng Kongreso ang programang pabigas ng Cebu provincial government kung saan mabibili ito sa halagang ₱20 kada kilo.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na sumaksi sa paglulunsad ng programa, isa sa mga hakbang na gagawin nila ay tiyakin na may sapat na suplay ng NFA rice para maging sustainable ang programa.

Sa ilalim kasi nito, sinubsidize ng pamahalaang panlalawigan ang gastos para sa NFA rice upang mabili ng mga Cebuano sa halagang ₱20 ang kada kilo ng bigas.

“All out support tayo dito sa programa ni Governor. We’ll definitely make sure that this program is fully supported per the recommendations of governor, such as getting adequate supply of rice from the NFA from where they are sourcing the ₱20 kilo rice,” sabi ni Romualdez.

Una nang sinabi ni Romualdez na kapuri-puri at marapat lang na gayahin din ng iba pang lugar sa bansa ang proyektong ito ng Cebu.

Ipinakita kasi aniya ng mga Sugbuanon na hindi imposibleng makamit ang pangarap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng de-kalidad na bigas sa halagang ₱20 bawat kilo sa mga pamilihan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us