Aarangkada na ang konstruksyon ng housing project sa Bacoor City, Cavite sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isinagawa na ang groundbreaking sa Strike Towers sa Barangay Zapote 1 para sa pagpapatayo ng siyam na 15-story buildings.
Binubuo ito ng 1,890 condominium-type units na kumpleto sa open spaces, parks at iba pang amenities.
Sinabi ni Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar Jr., na maganda ang lokasyon ng housing project dahil malapit lamang sa commercial area.
Ito aniya ang konsepto ng in-city, township development sa ilalim ng Pambansang Pabahay.
Sa ngayon, nasa 20 housing projects sa buong bansa ang nasa iba’t ibang stages ng development at construction.
Habang may 288 condominium-type housing units sa Bacolod City ang nakatakda na ring pasimulan ang konstruksyon sa susunod na buwan. | ulat ni Rey Ferrer