Maituturing na “accomplishment” ng administrasyong Marcos Jr. ang ipinakikitang kumpiyansa ng mga international credit rating agency sa Pilipinas sa gitna ng global challenges.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno, kasunod ng positibong rating na ipinagkaloob ng S&P Global sa Pilipins, kung saan pinagtibay nito ang “BBB+A-2” na may stable outlook.
Ayon kay Diokno, dahil sa positiong outlook na ito patuloy na isusulong ng gobyerno ang “Road to A” sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Aniya, ipatutupad ng pamahalaan ang kinakailangang polisiya at hakbang upang matiyak ang economic growth, mas matatag sa moderate growth forecast ng S&P Global.
Diin ng kalihim, kayang makamit ng bansa ang 6.5 to 8 percent growth mula 2024 hanggang 2028 kumpara sa pagtaya ng S&P Global na 5.9 to 6.4 percent na paglago hanggang sa 2026.
Paliwanag ng Finance Chief, epektibo ang mga bagong batas at prudent fiscal policies para paghusayin ang expenditures at fiscal deficits.
Patuloy naman na imo-monitor ng economic managers ang pagpapatupad ng reporma, upang palakasin ang investment at makamit ang growth target ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes