Labi ng OFW na nasawi sa gitna ng gulo sa Israel, dumating na sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-2:57 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Etihad Airway Flight 424.

Lulan nito ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Angelyn Peralta Aguirre, 33 taong gulang, isang caregiver sa Israel.

Si Angelyn ay nasawi sa Israel noong October 7, matapos na atakihin ng militanteng grupong Hamas ang Kibbutz Kfar Aza sa Southern Israel.

Ayon sa Department of Migrant Workers, imbes na tumakas ito ay hindi nito iniwan ang kaniyang inaalagang pasyente sa tinaguan nilang bomb shelter kung saan kapwa sila napaslang.

Ayon naman sa Overseas Workers Welfare Administration, itu-turn over ito sa kaniyang pamilya at bibigyan ng heroes welcome pati na rin ang mga kinakailangan tulong. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us