Labi ng OFW na nasawi sa gitna ng gulo sa Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang dumating sa Pilipinas mamayang 3:10 ng hapon ang labi ng Overseas Filipino Worker na si Angelyn Peralta Aguirre na nasawi sa gitna ng gulo sa Israel.

Ang labi ni Angelyn ay sasalubungin ng kaniyang mga kaanak sa PAIR-PAGS compound sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Kabilang si Angelyn, 32 taong gulang, isang caregiver sa mga nasawing OFW sa Israel matapos umatake ang militanteng grupong Hamas.

Ayon sa DMW, ayaw iwanan ng caregiver ang kaniyang inaalagaang Israeli citizen.

Nagpaabot naman muli ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration sa naiwang pamilya ni Angelyn at tiniyak ang tulong sa mga ito. | via Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us