Labi OFW na si Angelyn Peralta Aguirre na nasawi sa gitna ng gulo Israel, bibigyan ng hero’s welcome—OWWA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda ng Overseas Workers Welfare Administration ang hero’s welcome para kay Angelyn Peralta Aguirre ang overseas Filipino worker na nasawi sa gitna ng gulo sa Israel.

Nasawi si Angelyn sa Israel noong October 7 matapos na atakihin ng militanteng grupong Hamas ang Kibbutz Kfar Aza sa Southern Israel.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, tinitingala ang ginawa ni Angelyn  dahil imbes na tumakas ito ay hindi nito iniwan ang kaniyang inaalagang pasyente sa tinaguan nilang bomb shelter kung saan kapwa sila napaslang.

Kanina sinalubong ang labi ni Angelyn ng kaniyang ilang kamag-anak kabilang ang kaniyang tiyahin na itinuturing na nanay ng yumaong OFW, kasama ang kaniyang mister at dalawang kapatid

Bumuhos ang luha nang sinalubong ng nasa cadaver box si Angelyn.

Sa ngayon, ibibiyahe na ang labi ni Angelyn diretso sa Binmaley, Pangasinan kung saan sasalubungin nga ito ng heroes welcome bukas.

Tiniyak naman ng OWWA ang tulong sa naiwang pamilya ng nasawing OFW. | ulat ni Diane Lear 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us