Nakapamahagi na ng nasa P1.1-billion na fuel subsidy ang Land Bank of the Philippines para sa mga PUV operator at drivers sa iba’t ibang bahagi ng bansa
Ayon kay Landbank President and CEO Lynette V. Ortiz, ito’y bahagi ng kanilang pagsuporta sa mga operator at driver ng mga pampublikong mga sasakyan sa bansa.
Dagdag pa ni Ortiz, umabot na sa 190,130 ang bilang ng mga PUV operator at drivers na nabigyan ng ayuda at patuloy pa itong madaragdagan. | ulat ni AJ Ignacio