Plano ng pamahalaang lungsod ng Laoag na magtayo ng housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nakipagpulong na si Laoag City Mayor Michael Keon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar para sa proyekto.
Isang Memorandum of Agreement ang pormal nang nilagdaan nina Mayor Keon at Secretary Acuzar para masimulan na ang housing project.
Sinabi ni Mayor Keon na mahigit 4,000 pamilya sa Laoag City ang makikinabang sa pabahay.
Binigyang diin nito na mahigit 3,000 na ang nagpahayag ng interes na mag-apply para sa shelter project.
Sa panig ni Secretary Acuzar, binigyang-diin nito ang pagtutulungan bilang katibayan ng patuloy na paglulunsad ng pabahay program sa buong bansa at lumalagong suporta mula sa iba’t ibang LGUs. | ulat ni Rey Ferrer