Libu-libong pakete ng mga smuggled na sigarilyo, kinumpiska ng BIR sa Davao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bureau of Internal Revenue laban sa mga illicit cigarette traders at smugglers.

Ayon sa BIR, aabot sa 358,500 pakete ng mga smuggled na sigarilyo na may katumbas na tax liabilities na P252 milyon ang nakumpiska sa joint enforcement operation ng BIR Davao Revenue Region katuwang ang Naval Forces of Eastern Mindanao Command noong November 6.

Kabilang sa nadiskubre sa operasyon ang mga brands gaya ng Canon, GreenHill, at Bros na ipinupuslit sa bansa at nakakalusot sa pagbabayad ng excise taxes.

Mahaharap ang mga trader nito ng paglabag sa Section 130 ng National Internal Revenue Code as amended, Republic Act 11900, at Revenue Regulations Nos. 7-2021, 18-2021, at 14-2022.

Kaugnay nito, isa pang operasyon ang ikinasa noong Nov. 8 na nagresulta naman sa pagkakakumpiska ng 25,500 pakete smuggled cigarettes at may estimated tax liabilities na aabot sa P17.9 Million.

Mula naman ito sa joint operation ng Davao City Police Office PS6 at Task Force Davao sa isang random checkpoint sa Bunawan, Davao City.

Ayon naman kay BIR Comm. Romeo Lumagui, hindi titigil ang ahensya hanggat hindi napapanagot ang mga illicit tobacco traders at smugglers sa bansa.

“The BIR will continue the fight against illicit tobacco traders or smugglers wherever they may be. The BIR will continue to protect compliant taxpayers while prosecuting illicit trade. We will not stop. Expect more enforcement operations,” Commissioner Lumagui. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us