Tinipon noong nakaraang Biyernes November 24, 2023 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato kasama ang Integrated Provincial Health Office ang surveillance officers mula sa pribado at pampublikong ospital sa probinsya para sa oryentasyon patungkol sa Event-based Surveillance and Response (ESR) Reporting and Preparedness and Precautionary Measures for HENIPA Virus.
Layon ng nasabing aktibidad na palawakin pa ang teknikal na kaalaman ng mga surveillance officers sa bawat ospital para sa mas mahusay na sistema ng pangongolekta, paglalatag, at pagbibigay ng mahahalagang detalye hinggil sa mga pangyayari na may kinalaman sa kalusugan na maaaring magdala ng panganib sa publiko.
Kabilang sa pinag-uusapan ang paghahanda at precautionary measures ukol sa Henipa Virus, na maaaring magiging sanhi ng impeksyon sa mga hayop (baboy, kabayo, paniki) at sa mga tao sa pamamagitan ng “direct contact” tulad ng dugo, dumi, laway, ihi at iba pa.
Prayoridad ng lokal na pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang maalagaan ang kalusugan at masiguro ang kaligtasan ng mga Cotabateño. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao