LTFRB Chair Guadiz, personal na tinutukan ang transport strike ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang nag-ikot si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III para i-monitor ang lagay ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong unang araw ng strike ng transport group na PISTON.

Ayon kay Chair Guadiz, batay sa kanyang inisyal na monitoring, nananatiling normal ang lagay ng trapiko sa mayorya ng mga kalsada sa Metro Manila bagamat may ilang lugar lang aniyang nagkakaroon ng pag-iipon ng mga pasahero kabilang ang Novaliches, Commonwealth, at Pasig.

Agad naman aniya itong tinutugunan sa pakikipagtulungan sa mga LGU para makapag-deploy ng libreng sakay.

Kabilang pa sa mga rutang tinututukan ng LTFRB ang:

  1. Novaliches – Malinta (along Gen. Luis)
  2. Shelter Ville – Novaliches
  3. Bagumbong – Novaliches
  4. Deparo – Novaliches
  5. Paco – Sta.Mesa
  6. Monumento Area
  7. Catmon
  8. Alabang Area – Baclaran
  9. A.Francisco St. – San Andres Bukid
  10. NIA-NPC to Mindanao Avenue

Punto ni Chair Guadiz, prayoridad nila ngayon na masigurong walang maii-stranded na pasahero lalo na ang mga papasok ng trabaho.

Una na ring nag-deploy ng 250 rescue vehicles ang LTFRB na ipinakalat sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us