Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na pumayag na sa isang dayalogo si PISTON Presisent Mody Floranda ngayong unang araw ng kanilang transport strike.
Ayon kay Chair Guadiz, magtutungo ito sa Monumento mamayang hapon para makausap ang grupong PISTON at mapakinggan ang kanilang mga hinaing partikular sa PUV Modernization Program.
Kasunod nito, sinabi ni Guadiz na umaasa siya na magbubunga ng maganda ang kanilang pulong at hindi na magtagal pa ang transport strike hanggang sa Miyerkules.
As of 8am, nagpapatuloy ang kilos-protesta ng grupong PISTON sa bahagi ng Monumento Circle sa Caloocan.
Nakabantay naman ang Caloocan Police maging ang mga tauhan ng Caloocan The Public Safety and Transportation Management Department (PSTMD) upang masiguro na hindi magdudulot ang rally ng pagbigat sa trapiko.
Naka-deploy na rin ang rescue vehicles ng Caloocan LGU at ng Caloocan PNP para umalalay sa mga pasaherong maii-stranded. | ulat ni Merry Ann Bastasa