Sumampa na sa higit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga puv operator at driver na benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP).
Sa tala ng ahensya, as of November 17, nasa 166,597 na yunit ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap ng subsidiya.
Ayon sa LTFRB, sa pag-iral ng FSP, nananatili ang hangarin nitong makatulong sa pagbawas ng gastusin ng mga operator at tsuper sa gitna ng walang prenong taas-presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, patuloy naman aniya ang pakikipagugnayan ng Ahensya sa Land Bank of the Philippines (LBP) upang matiyak ang maayos at epektibong pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng nasabing programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa