LTFRB, nanindigan na hindi maaaring pagbigyan ang kahilingan ng PISTON na ibasura ang industry consolidation process

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mangyayari ang kagustuhan ng grupong PISTON na tuluyang ibasura ang tinatawag na consolidation process.

Sa isinagawang diyalogo ngayong hapon, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ang maaaring gawing hakbang lamang ng LTFRB ay gawing simple ang proseso.

Sinabi ni Guadiz na mas magiging doable ang pag-waive ng penalties,
pagpapalawig ng franchise validity ng limang taon at ang pag-alis ng omnibus franchising guidelines.

Ang dayalogo ay isinagawa ngayong hapon sa pagitan ng LTFRB officials at ni Atty. Ariel Inton na kumakatawan sa grupong PISTON.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us