LTO, magkakasa ng nationwide motor vehicle registration caravan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplano na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsasagawa ng isang malawakang motor vehicle registration caravan na layong hikayatin ang mga delinquent vehicle owners na iparehistro na ang kanilang mga sasakyan at motorsiklo.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, kinukonsidera na nito na maiikot sa bawat LGU partikular sa mga barangay ang motor vehicle registration caravan.

Mas madali kasi aniyang matutukoy sa lebel ng barangay kung sino-sino ang hindi rehistrado ang mga motorsiklo at mga sasakyan.

Punto ni Assistant Secretary Mendoza, bukod sa pinahigpit na “No Registration, No Travel” policy ay nais din nilang mailapit ang serbisyo sa mga motorista sa pamamagitan ng nationwide caravan.

Kasama rin sa plano ng LTO na padaliin ang sistema sa pagpaparehistro nang mas maraming motorista ang makumbinseng magparehistro.

Batay sa datos ng LTO, nasa 24.7 milyong motor vehicles sa bansa ang may expired nang motor vehicle registration.

Nangunguna naman sa may delinquent vehicle owners ang Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us