LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapanahon na upang iangat ang kalidad at antas ng transportasyon sa bansa.

Ito ang kapwa paniniwala ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ngayong araw, pormal nang inilunsad ng kumpanyang JoyRidePH ang kanilang super taxi na layong magbigay ng alternatibong ride hailing transport.

Ayon kay Noli Eala, Senior Vice President for Corporate Affairs ng JoyRide, mapasisigla nito ang kompetisyon ng mga ride hailing app.

Dumalo sa naturang paglulunsad sina MMDA Chairperson Atty. Don Artes, LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II gayundin ang mga kinatawan mula sa LTFRB at Antipolo City LGU.

Sa isang panayam, nagkakasundo sina Mendoza, Artes at LTFRB Office of Transport Cooperative Head Jesus Ortega, na ngayong inilunsad na ang super taxi ay mapatataas na nito ang kalidad ng serbisyo na salig sa naising imordenisa ang transpotasyon.

Unang bibiyahe ang 25 units ng JoyRide Super Taxi sa Metro Manila, at inaasahan namang ilulunsad din sa iba pang panig ng bansa sa mga susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us