Mababang kapulungan ng kongreso, malinis ang audit sa nakalipas na 6 na taon — COA

Facebook
Twitter
LinkedIn


Binigyan ng Commission on Audit ang House of Representatives ng malinis na audit sa nakalipas na anim na taon.

Base sa annual audit reports ng Kamara mula 2017 hanggang 2022 walang masamang natuklasan ang COA sa mga dokumento at transaksyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa pinakahuling audit sa Lower House idineklara ng COA na walang Notice of Suspension, Notice of Disallowance, and Notice of Charge para sa taong 2022.

Habang ang mga kopya ng audit reports ng Kamara at iba pang ahensya mula 2011 to 2022 ay regular na naka-upload sa COA website para accessible sa publiko.

Klinaro rin ng state audit na sa parehas na mga taon ay walang natanggap ang Lower House na kahit na anong Priority Development Assistance Fund (PDAF) or Disbursement Acceleration Program (DAP) Fund.

Sa katunayan pinuri pa ng COA ang Kamara sa ‘timely remittance’ ng employees’ contributions sa Government Service Insurance System (GSIS), Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig Fund), at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Hinangaan din ang institusyon sa pagtatalaga ng “secure and suitable” na pasilidad para sa mga for senior citizen at “differently-abled employees and visitors” kabilang dito ang wheelchair ramps, elevators, at hiwalay na restroom cubicles na may ‘special fixtures’. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us