Sumuko ang maglive-in partner na miembro ng New People’s Army sa Tubungan Municipal Police Station at sa lokal na pamahalaan ng Tubungan, Iloilo.
Ang mga rebeldeng sumuko ay sina alyas Ka Nonoy, supply officer ng NPA at residente ng Tubungan Iloilo at si alyas Bebe, medical officer at residente ng Sebaste, Antique.
Ang maglive in partner ay miembro ng Central Front Committee, Jose Percival Estocada Command, Baloy Platoon, Squad 2 ng NPA.
Mahigit 7 taong rin sa rebeldeng grupo ang mga sumukong NPA.
Gutom at kahirapan sa kabukiran ang nag-udyok sa kanilang sumuko dahil nais na rin nilang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang pamilya.
Pinuri naman ni Iloilo Police Provincial Office Director P/Col. Ronaldo Palomo ang naging desisyon ng 2 rebelde na sumuko at suportahan ang gobyerno.
Sa pagsuko ni Ka Nonoy at Bebe, binigyan sila ng food packs mula sa LGU-Tubungan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Tubungan na may matatanggap pang tulong ang mga rebeldeng sumuko. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo