Maharlika Investment Fund, binuksan ni Pres. Marcos Jr. sa mga mamumuhunan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund sa mga negosyanteng dumalo sa Philippine Economic Briefing sa San Francisco California.

Sa pagharap ng Pangulo sa mga investors, sinabi nitong magsisilbing dagdag na source at mode of financing para sa mga priority at infrastructure flagship projects ng pamahalaan ang Maharlika Invest Fund.

Ang mga proyektong ito sabi ng Pangulo ay nag-aalok ng mataas na rates of return na may mahalagang socio economic impact.

Sa ngayon dagdag ng Pangulo ay nasa 80 potensiyal na infrastructure projects ang kanila na aniyang nadetermina at financiable sa pamamagitan ng Maharlika Fund.

Inihayag din ng Chief Executive na sa mga repormang kanilang ipinatutupad sa ekonomiya ng bansa ay nakahanda na ang Pilipinas para maging leading hub sa Asia. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us