Mahigit 100 na aftershocks, naitala ng Phivolcs kaugnay sa lindol sa Sarangani Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakakapagtala ang Phivolcs ng aftershocks sa ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol doon.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang 3:00 PM, mayroon nang 106 na aftershocks ang naitala.

Mula rito, 63 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon, habang limang may kalakasan pagyanig ang naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang lindol ay mula magnitude 1.4 – 4.3 na naitala sa kanilang reference station sa General Santos.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us