Nasa 12, 717 ang inisyal na bilang ng mga pamilya mula sa walong bayan sa E. Samar ang naapektuhan ng matinding ulan dulot ng shear line.
Batay sa inisyal na tala ng PDRRMO-Eastern Samar, Nob. 21, sa mahigit labing dalawang libong apektadong pamilya, 1,648 ang inilikas o katumbas sa 5,776 indibidwal at dinala sa kani-kanilang evacuation center.
May mga napaulat na pagbaha lalo na sa bayan ng Jipapad(lahat ng 13 brgys), Maslog (all 12 brgys), Arteche (9 brgys), Oras (26brgys), Dolores (19 brgys), at Can-avid (8brgys).
Kaugnay nito sa ulat naman ng DPWH- Eastern Samar, Nobyembre 22, alas syete ngayung umaga, nananatiling lubog sa tubig baha ang kalsada sa Brgy. Bigo sa bayan ng Arteche at hindi ito madadaanan ng mga sasakyan.
Binuksan naman kahapon ng tanghali sa trapiko ang daan sa Brgy. Binaloan, bayan ng Taft, isa ring rockslide at landslide-area na bahagi ng kalsada.
Balik eskwela na rin ang mga mag-aaral ngayong araw sa ilang paaralan na humupa na ang tubig bahà.
Wala naman casualty na napaulat dahil sa shear line.
Kasalukuyang bumubuti na ang lagay ng panahon ngayon sa E. Samar at nagpapakita na si haring araw. | ulat ni Pen Pomida | RP1 Borongan
📸 Jipapad Mayor Benjamin Ver, DPWH-E. Samar