Mahigit 180k pamilya, apektado ng sama ng panahon sa mga nakalipas na araw

Facebook
Twitter
LinkedIn


Umabot na sa 180,788 pamilya o katumbas ng 721,627 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon na dulot ng pinagsamang shear line at low pressure area sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 904 mga barangay sa CALABARZON, Regions 5, 6, 8 at CARAGA.

Sa nasabing bilang mahigit 14,000 pamilya o lagpas sa 40,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 170 mga evacuation center; habang ang nasa halos 40,000 indibidwal naman ay mas piniling manatili sa kanilang tahanan o makituloy sa kanilang mga kaanak.

Samantala, sa datos ng NDRRMC ngayong umaga, isa ang naitalang nasawi sa Region 8 pero patuloy pa itong bineberipika.

Sa ngayon, nasa 24 na siyudad at munisipalidad na sa Region 8 ang nasa ilalim ng State of Calamity. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us