Mahigit P2.4-B ang hatid na kita ng mga locator ng CEZA sa apat na ahensiya mula noong nagsimula ang operasyon ng mga ito sa Ecozone at Freeport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni CEZA Secretary Katrina Ponce Enrile na kabilang sa mga ahensiyang ito ay ang DOLE, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at LTO.

Maliban dito, iniulat din ni Secretary Ponce-Enrile na noong kasagsagan ang operasyon ng CEZA bago ang pandemya, umaabot sa P972 milyon ang na-remit nilang dividends sa national government; P821 milyon naman ang income tax na ibinayad nito sa gubyerno.

Gayunman, inamin niya na hanggang ngayon ay wala pang nakukuha ‘share’ ang CEZA mula sa national government, mula sa gross income na ni-remit ng lahat ng kanilang locator mula noong 2016.

Subalit sinabi niyang itinutuloy ng CEZA ang pagganap nito ng kanyang mandato na isulong at mabilisan ang pag-unlad ng mga industriya sa bahaging ito ng hilagang Luzon. | via Vivian de Guzman | RP1 Tuguegarao

📸 CEZA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us