Mahigit P20-M halaga ng shabu nasabat sa Jaro, Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat sa operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, Iloilo City Drug Enforcement Unit at Jaro PNP ang mahigit P20 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Camalig Jaro, Iloilo City.

Arestado sa operasyon sina alyas Shanon, alyas Kerry at alyas Anne pawang mga high value target drug personalities.

Nakumpiska ng kapulisan ang mahigit kumulang 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 20.4 million pesos, buybust money at iba pang drug items.

Pinuri naman ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor ang operating units sa matagumpay na operasyon.

Ayon sa opisyal, marami na namang buhay ang naisalba dahil sa pagkakompiska ng iligal na droga.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Jaro Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa iligal na droga. | via Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

📷 RPDEU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us