Mahigit 400 empleyado ng Gaisano Grand Koronadal Mall sa Koronadal City na naapektuhan ng malakas na lindol ang pinagkalooban na ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development .
Bawat isa ay nakatanggap ng P2,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD bilang karagdagan sa ipinamahaging dalawang box ng family food packs .
Kasama ding binigyan ng cash aid na P2,000 at family food packs ng DSWD Field Office 12 ang may 41 mangingisda sa Koronadal City kung saan nasira ang kanilang fishing boats.
Base sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) hanggang kahapon ,may kabuuang 5,859 families o 27,155 indibidwal ang naitalang naapektuhan ng lindol sa SOCCSKSARGEN region.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nasa P5 million pa ang available standby funds ng DSWD FO 12; 55,352 boxes ng food packs; at P57.6 million halaga ng food at non-food items na naka-preposition sa iba’t ibang warehouses sa rehiyon.
Pagtiyak pa ni Assistant Secretary Lopez na may sapat pang pondo ang ahensya na abot sa P2.8 billion para magbigay ng augmentation support sa affected local government units. | ulat ni Rey Ferrer