Muling nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa lahat ng kandidato sa pagtanggal ng kanilang mga election campaign materials.
Ayon sa Commission on Elections Resolution 10924 Section 256, dapat tanggalin ng mga kandidato ang lahat ng kanilang election propaganda sa loob ng 5 araw pagkatapos ng halalan.
Ayon sa LGU, dapat maging responsable ang lahat sa pag-alis, paglinis at pag-dispose ng mga election propaganda upang mapanatiling malinis ang lugar at kapaligiran.
Maaari ring i-recycle o magamit sa ibang bagay ang inyong mga tarpaulin na ginamit sa katatapos na Barangay at SK Elections. | ulat ni Rey Ferrer