Marcos administration, patuloy na magpapatupad ng mga hakbang para mapabuti ang labor force participation — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin ng administrasyong Marcos Jr. ang mga hakbang upang mapabuti ang labor force participation at youth employment.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa ngayon lalo pang bumubuti ang estado ng ekonomiya upang mapanatili ang good labor and employment condition dahil sa mas pinahusay na mga indicators kumapara noong nakaraang taon.

Aniya, nakikipagtulungan sila ngayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), upang mapigilan ang pagtaas ang inflation na siyang mahalaga upang mapanatili ang macroeconomic stability.

Patuloy din pinalalakas ng pamahalaan ang sector ng investments para sa job creation. 

Dagdag pa ng kalihim, may mga kinakailangang programa at pamamaran na dapat gawin upang i-upgrade ang kaalaman at kakayahan ng Filipino workforce upang itaas ang competitives at employability ng mga ito.

Ito ang inihayag ni Diokno kasunod ng pagbaba ng unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa kumpara noong nakaraang taon base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us