Mas mabilis na sasakyang pandagat para sa resupply mission, target ng Wescom

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanap ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (Wescom) ng mas mabilis na sasakyang pandagat para sa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay WESCOM Commander Vice Admiral Alberto Carlos, kailangan nila ng barkong may bilis na 15 knots at kayang maglayag sa mababaw na katubigan ng Ayungin Shoal kung saan naroroon ang BRP Sierra Madre.

Sa kasalukuyan ang mga barkong gamit ay nasa pitong knots lamang ang takbo.

Matatandaang sa huling insidente sa Ayungin Shoal noong Oktubre 22, isa lang sa dalawang resupply boat ang nakakumpleto ng kanyang misyon sa BRP Sierra Madre, matapos banggain ng Chinese Coast Guard ang isa.

Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na tuloy-tuloy ang gagawing resupply mission sa BRP Sierra Madre sa kabila ng paulit-ulit na pangha-harass ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us